Skip to content
Home »  Stories » 8 Songs About Gambling (That You Should Listen To)

8 Songs About Gambling (That You Should Listen To)

English version follows…

Ang musika ay isang salamin sa mga kinahuhumalingang bagay sa buhay: pagmamahal, mga ugnayan sa pagitan ng mga tao, at ultimo ang pagsusugal. Anuman ang hilig mong uri ng musika, tiyak na may mga makapagpukaw-damdamng awit tungkol sa pagsusugal at pagpupusta. Hinahatid ng https://20bet.asia/ ang walo sa pinakakilalang awit tungkol sa usaping ito para sa iyong pansariling kasiyahan.

Kenny Rogers: “The Gambler”

Ang awit na pinamagatang “The Gambler” na pinasikat ni Kenny Rogers ay isa sa pinakakilalang kanta tungkol sa pagpusta. Naging isa ito sa mga pinakatanyag na awitin ng de-balbas na kantor noong taong 1978. Inilalahad ng kantang ito ang kwento ng isang engkwentro ng mang-aawit sa isang sugarol sa tren, at ang mga kaalamang handog nito.

Elvis Presley: “Viva Las Vegas”

Walang listahan ng mga kantang tungkol sa sugal ay kumpleto na hindi kinabibilangan ng “The King” na si Elvis Presley. Ang komposisyong “Viva Las Vegas” ang naging tema ng sineng ipinalabas noong 1964 na Viva Las Vegas, na kung saan ang bida ay ginanap ng walang iba kundi si Elvis bilang si “Lucky Jackson.” Isa itong awit sa pag-ibig para sa mga pasugalan na ipinagdiriwang ang mga magagarang ilaw at ang kaakit-akit na tukso ng sugal. Walang ibang awit ang kayang hulihin ang humaling ng Las Vegas kaysa sa awiting ito ni Elvis. 

Stephen Stills: “Black Queen”

Isa si Stephen Stills sa mga manunulat, mang-aawit, at gitarista ay hindi umani ng kasikatan at karangalan na marapat nitong nakuha sa kanyang karera sa musika—at ang awitin niyang “Black Queen” mula sa kanyang 1970 na album na pinamagatang Stephen Stills ang isa sa mga pruweba na ipinapakita ang argumentong ito. Tampok ng kantang blues na ito si Stills sa gitara at sa boses lamang at walang bahid ng alinlangan ang mensahe ng kanta dahil sa simula pa lamang ng kanta ay kinumpirma mismo ni Stills ang kahulugan nito: “This is a song about a card game,” aniya. Tapos na ang usapan.

Motorhead: “Ace of Spades”

Para sa mga rakistang sugarol diyan, ang “Ace of Spades” ang pinakasikat na awit ng hard rock na banda mula sa Inglatera na Motorhead. Ang kantang ito na ipinalabas noong taong 1980 ay hango mula sa mga karanasan ng kantor at bahista ng banda na si Lemmy Kilmister sa paglalaro ng mga slot machine sa mga pub ng Londres. Ani Lemmy sa kanyang awtobiograpiyang White Line Fever, dahil hindi siya makapagkanta tungkol sa pag-ikot ng mga prutas at ng mga gulong ng slot machine, sinubukan na lamang niyang siksikin ang kantang ito ng mga pagwawangis tungkol sa pagpusta.

Rolling Stones: “Tumbling Dice”

Ang kantang “Tumbling Dice” na pinasikat ng maka-alamat na bandang Rolling Stones ay unang pinamagatang “Good Time Woman,” ngunit nakaranas ang kantor ng grupo na si Mick Jagger ng writer’s block bilang isang manunulat. Matapos niyang makausap ang katulong ng banda tungkol sa kalamangan at kahinaan sa larong pang-casino na craps, nagsilbi ito bilang inspirasyon kay Jagger na isulat ang kantang ito. Binago ni Jagger ang pamagat mula “Good Time Woman” patungo sa “Tumbling Dice,” na siyang naglalaman ng iilang reperensya tungkol sa craps. 

The Eagles: “Desperado”

Para buuin ang listahang ito, dadako naman tayo sa isang klasiko mula sa The Eagles na pinamagatang “Desperado.” Sinulat ni Glen Frey at ni Don Henley, ang kantang ito ay naging isa sa pinakasikat na awitin ng The Eagles mula sa kanilang album na ipinalabas noong 1973. Inilalahad ng kantang ito ang kwento ng isang mapag-isang lalaki na nagmistulang bilanggo ng kanyang pag-iisa, at naglalaman ng napakaraming reperensya tungkol sa paglalaro ng baraha.

Wakas

Ang pagsusugal ay nagsilbing inspirasyon para sa mga pinakakilalang awitin sa haba ng panahon, ngunit iilan lamang ang walong ito sa napakarami pang awit na tinatalakay ang usaping ito. Halina’t tayo’y makinig sa mga awiting ito!


English version

Music is a reflection of life’s fascinations: love, human relationships, and even gambling. No matter your preferred music genre, there are bound to be songs about gambling and betting that resonate with you. 20bet.asia brings you eight of the most well-known songs on this topic for your listening pleasure.

Kenny Rogers: “The Gambler”

The song “The Gambler” by Kenny Rogers is one of the most iconic songs about betting. It became one of the most famous hits of the bearded singer in 1978. The song narrates an encounter between the singer and a gambler on a train, sharing the gambler’s wisdom along the way.

Elvis Presley: “Viva Las Vegas”

No list of gambling songs would be complete without “The King,” Elvis Presley. His song “Viva Las Vegas” was the theme of the 1964 film Viva Las Vegas, where Elvis himself played the lead role as Lucky Jackson. This song is a love letter to casinos, celebrating the bright lights and irresistible allure of gambling. No other song captures the essence of Las Vegas quite like this one.

Stephen Stills: “Black Queen”

Stephen Stills—one of the greatest singer-songwriters and guitarists—never quite achieved the level of fame and recognition he deserved. One piece of evidence supporting this argument is his song “Black Queen” from his 1970 self-titled album Stephen Stills. This blues track features only Stills on guitar and vocals, leaving no doubt about its meaning. Right from the start, Stills himself confirms: “This is a song about a card game.” No further explanation needed.

Motörhead: “Ace of Spades”

For rock-loving gamblers, “Ace of Spades” is the ultimate hard rock anthem by the legendary British band Motörhead. Released in 1980, the song was inspired by frontman and bassist Lemmy Kilmister’s experiences playing slot machines in London pubs. In his autobiography White Line Fever, Lemmy admitted that since he couldn’t sing about spinning fruit symbols and slot reels, he filled the song with gambling-related metaphors instead.

The Rolling Stones: “Tumbling Dice”

The song “Tumbling Dice” by the legendary band The Rolling Stones was originally titled “Good Time Woman.” However, lead singer Mick Jagger struggled with writer’s block while composing its lyrics. A conversation with the band’s housekeeper about the pros and cons of playing casino dice game craps sparked inspiration. Jagger then changed the title to Tumbling Dice and included multiple references to the game within the lyrics.

The Eagles: “Desperado”

Rounding out this list is a classic from The Eagles: “Desperado.” Written by Glenn Frey and Don Henley, this song became one of the band’s most famous tracks from their 1973 album. It tells the story of a lone man trapped in his own solitude, featuring numerous references to playing cards.

Conclusion

Gambling has served as inspiration for some of the most well-known songs of all time, but these eight are just a small selection of the many tracks that explore this theme. So, why not give them a listen?

Auralcrave

Auralcrave

On Auralcrave, from the first day, we offer unique stories and original perspectives about the arts, passions, and trends you already love. We do it with two things in mind: sharing points of view that you won’t find anywhere else and presenting them with an inimitable, creative writing style that has become well-renowned worldwide. Stories for open-minded: a reliable space with news, analysis, discoveries, and curiosities about everything you are into. That’s why we are the only culture & entertainment online webzine that sells its own books, month after month, in 15 countries. Online and in physical stores.View Author posts